Magliliwanag na ang bahagi ng Barangay San Rafael East, San Nicolas matapos ilagak ng lokal na pamahalaan ang 30 pirasong iron pipes na magsisilbing poste ng mga solar street lights.
Ayon sa Municipal Government ng San Nicolas, pangunahing layunin ng proyektong ito na mapaigting ang seguridad ng mga residente sa pamamagitan ng ligtas at maayos na ilaw sa kalsada, kasabay ng paggamit ng renewable at sustainable energy.
Mula ito sa Barangay Subsidy Fund 2025 na may kabuuang halaga na ₱108,406.
Bukod sa pailaw, target din ng lokal na pamahalaan na palawakin at sementuhin ang mga kalsada sa barangay sa susunod na taon, 2026, upang higit na mapabuti ang daloy ng trapiko at mobilidad ng mga residente.
Matatandaan na patuloy ang installation ng solar streetlights sa iba’t ibang bahagi ng bayan, bahagi ng mas malawak na programa para sa kaligtasan ng publiko at motorista lalo na sa mga lugar na madalas dumaan ang mga estudyante at manggagawa tuwing gabi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









