Painting na ginamitan ng sausage roll at ketchup, viral online

Panghimagas – Viral ngayon sa social media ang painting ng larawan ni Jesus Christ.

Ito ay dahil sa kakaibang painting materials na ginamit ng 28-year old artist na si Nathan Wyburn.

Sa halip kasi sa pintura, pinisang tomato ketchup ang ginamit ni Nathan at sausage roll naman sa halip na paint brush!


Ginawa raw ito ni nathan matapos na pagdebatehan sa Wales, U.K. ang nag-viral na larawan ng isang sabsaban kung saan pinalitan ng sausage roll ang dapat sana’y larawan ni Hesus.

Bagama’t may humanga sa ganda ng painting, marami naman ang hindi natuwa sa pinaghugutan ng ideya niya.

Facebook Comments