Pakakapili kay incoming spokesperson Harry Roque, personal na desisyon ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tumanggi magpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit si dating KABAYAN representative Harry Roque ang kaniyang bagong tagapagsalita.

Bago lumipad patungong Japan, natanong ang Pangulo kung bakit niya pinalitan si Presidential spokesperson Ernesto Abella.

Giit ng Pangulo, ito ay kaniyang personal na desisyon.


Matatandaang inanunsyo ng Pangulo na si Roque ang bago nitong tagapagsalita noong birthday nito sa Davao City.

Nakatakda namang dumalo si Roque sa unang pagkakataon sa cabinet meeting sa November 6.

Facebook Comments