Santiago City, Isabela- Isang hand grenade ang nadiskubre ng isang trabahador alas diyes ng umaga noong Pebrero 12, 2018 sa Magsaysay Avenue, Victory Norte, Santiago City, Isabela.
Batay sa ibinahaging impormasyon ng PNP Station 2 Santiago City, Nakita umano ang Granada ng isang trabahador na kinilalang si Henry Escobar, 32 anyos at residente ng Bannnawag Sur, Diffun, Quirino.
Ayon umano kay Escobar, nagulat na lamang siya ng makita ang pakalat-kalat na Granada sa labas ng warehouse na pagmamay-ari ni Loreto Daliri kaya’t agad na dumulog sa tanggapan ng pulisya upang humingi ng saklolo.
Agad namang rumisponde ang kapulisan sa pangunguna ni PCI Reynaldo Maggay at PSI Jose Cabaddu at nadiskubreng natanggal na ang safety pin ng Granada.
Ayon kay PCI Maggay, anumang oras ay maaring sumabog ang nadiskubreng Granada subalit marahil umano sa kalumaan ay hindi na ito sumabog.
Hawak na ngayon ng Regional Mobile Force Company (RMFC) ang Granada at patuloy pang iniimbestigahan ng kapulisan ang nangyaring insidente upang matukoy kung saan nanggaling ang nasabing granada.