Pinagtibay ng San Carlos City ang aktibong pakikilahok ng mga barangay sa kampanya kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng City Anti-Drug Summit 2025.
Nakatutok ang summit sa pagpapalakas ng koordinasyon at pagpapatupad ng mga anti-drug program sa buong lungsod sa ilalim ng temang “Strengthening the Role of Barangay and City Officials in Building a Drug-Free Community.”
Tinalakay ang epekto ng pagkakasangkot sa droga at ang pangangailangan ng preventive education, rehabilitasyon, at mas matatag na ugnayan ng barangay at city offices para sa mas epektibong programa.
Naging plataporma rin ang summit para sa pagbabahagi ng ideya, koordinasyon, at pagpapalakas ng kolektibong aksyon ng lungsod at barangay.
Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan ng PDEA, PNP, PAO, mga barangay, SK, non-government organizations, at iba pang departamento ng lokal na pamahalaan upang talakayin ang mga hamon at best practices sa kampanya kontra droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









