PAKIKIBAHAGI NG MGA KABATAAN SA PAGSUGPO NG HIV, PINALALAKAS SA ILOCOS SUR

Pinalalakas sa Ilocos Sur ang pakikibahagi ng mga kabataan sa kampanya laban sa HIV, kasabay ng pag-obserba ng World AIDS Day nitong buwan sa mga bayan ng San Juan at Santa Lucia.

Sa pangunguna ng Department of Health Ilocos Region at mga lokal na pamahalaan, isinagawa ang Miss HIV Ambassadress pageant sa Santa Lucia na dinaluhan ng mga kasapi ng LGBTQIA+ community, habang nagtanghal naman ng HIV-Free Pinas Mural Making Contest sa San Juan na nilahukan ng mga mag-aaral sa sekondarya.

Nagtapos ang mga aktibidad sa isang candle lighting ceremony at information campaign na layuning palawakin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa HIV at mas palakasin ang kanilang papel sa pagpigil sa pagkalat nito.

Ayon sa DOH-Ilocos Region, patunay ang aktibong partisipasyon ng kabataan na nagiging mas inklusibo at nakabatay sa komunidad ang mga inisyatiba kontra HIV.

Facebook Comments