Pakikiisa ni PBBM sa 43rd ASEAN Summit and related summits sa Jakarta, Indonesia, naging produktibo ayon sa Malacañang

Naging makabuluhan ang pakikiisa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 43rd ASEAN Summit and related summits sa Jakarta, Indonesia.

Sa press statement ng pangulo, sinabi nitong 12 leaders- level meetings ang kanyang dinaluhan kabilang na ang Australia, Canada, China, India, Japan, Republic of Korea, United States, at United Nations.

Sa mga pagpupulong na ito ayon sa pangulo ay nai-promote at kanyang na highlight sa ASEAN ang ilang key interest gaya ng food at energy security, proteksyon ng mga migrant workers, climate change at digital transformation.


Nakiisa rin ang pangulo sa East Asia Summit kung saan natalakay ang malawak na strategic, political, at economic issues na common interest at concern ng ASEAN.

Pinag-usapan rin ng pangulo sa East Asia Summit ang regional at international issues partikular ang isyu sa South China Sea, kung saan muling nanindigan ang pangulo na committed ang Pilipinas sa mapayapag resolusyon sa isyu nakabatay pa rin sa international law, gaya ng 1982 UNCLOS.

Sa press statement sinabi pa ng pangulo na natalakay rin sa mga summits ang mga global issues gaya ng sitwasyon sa Myanmar, denuclearization ng Korean Peninsula at gulo sa Ukraine.

Sa Sidelines naman ng ASEAN summit mayroong informa meeting ang pangulo kina Japanese Prime Minister Fumio Kishida at US Vice President Kamala Harris patungkol sa pagpapalakas ng kooperasyon.

Nagkaroon rin ng bilateral meetings ang pangulo sa mga lider ng Cambodia, Canada, Cook Islands, India, Republic of Korea, at Vietnam, maging sa Presidente ng World Bank Group.

Sa usapin namang pang ekonomiya sinaksihan ng pangulo ang paglagda ng Pilipinas at Republic of Korea kaugnay sa Free Trade Agreement (FTA), na nagpapakita ng commitment ng dalawang bansa para sa mutual economic growth and development.

Nakipagpulong naman ang pangulo sa mga top executives ng mga malalaking Indonesian companies at nangakong mamumuhunan sa Pilipinas nang halagang 22 milyong dolyar.

Inanunsyo rin ng pangulo na magho-host ang Pilipinas ng ASEAN sa taong 2026.

Ang pangulo ay dumating kaninang hating gabi mula Jakarta, Indonesia.

Facebook Comments