Isinagawa ang isang diyalogo sa pagitan ng mga kandidato sa bayan ng San Quintin, kahapon.
Pinangunahan ng Pangasinan Police Provincial Office ang naturang aktibidad na layuning itaguyod ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at pagbibigayan sa kabila ng kani-kanilang partido, upang matiyak ang isang ligtas at mapayapang halalan.
Ito ay bahagi ng pagsisikap ng kapulisan at mga kinauukulang ahensya upang maiwasan ang anumang posibleng kaguluhan at siguruhing magiging maayos ang eleksyon sa bayan.
Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko at sa mga kandidato na pairalin ang patas na labanan, paggalang sa batas, at pagiging responsable sa kanilang mga tagasuporta.
Ang San Quintin ay Isa sa walong lugar sa probinsya na NASA ilalim ng yellow areas of concern. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨