Pakikipag-giyera ng Pilipinas, hindi solusyon para mabawi ang mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS ayon sa isang defense expert

Marami pang magagawa ang Pilipinas para maresolba ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang binigyang-diin ni Defense Expert at Political Analyst Prof. Clarita Carlos kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang magagawa kundi makipag-giyera na lang para mabawi ang mga pinag-aagawang teritoryo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Carlos na hindi kinakailangang makipag-giyera sa ibang bansa dahil maraming magagawa ang Pilipinas sa isyu sa WPS.


Ayon kay Carlos, imbes na igiit ng Pilipinas ang code of conduct, mas mabuting magkaroon ng kasunduan ang bansa at China.

Una nang nagpahayag ng kahandaang tumulong ang Amerika sa Pilipinas para mapaalis ang mga barko ng China sa WPS.

Facebook Comments