Mahigpit na ipagbabawal ng Commission on Election (COMELEC) ang pagkikipag-tsimisan, kumpulan, at kwentuhan sa labas at loob ng mga voting center sa Mayo 9, 2022 election.
Ayon kay COMELEC Director Teopisto Elnas Jr., isa ito sa kanilang hakbang para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Aniya, ang sinumang mahuhuli na nakikipag-tsismisan ng kanilang COVID-19 safety marshals ay ipatatawag ng awtoridad.
Sinabi rin ni Elnas na magtatalaga sila ng ilang personnel mula Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para tumulong sa crowd control.
Facebook Comments