Pakikipag-ugnayan ng DOJ sa Interpol para arestuhin si SPO3 Lascañas, binatikos ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Binatikos ni Senator Antonio Trillanes IV ang kautusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation na makipag-uganayan sa Interpol.

Ito ay sa layuning maaresto si SPO3 Arthur Lascañas na nasa ibang bansa kaugnay sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Jun Pala.

Binigyang ni Trillanes, na ang nabanggit na hakbang ng DOJ ay maliwanag na panggigipit sa mga testigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Trillanes, unang ginipit ng adminstrasyon si Edgar Matobato, na naunang umamin na may Davao Death Squad at nagsalaysay kung paano umano iniutos ni Pangulong Duterte ang mga pagpatay na isinawaga nila noon sa Davao.

Diin ni Trillanes, ang nabanggit na hakbang ng DOJ ay patunay na totoo ang mga sinasabi nina Lascañas at Matobato laban kay President Duterte.
DZXL558

Facebook Comments