PAKIKIPAG-UGNAYAN SA INTERNATIONAL NUCLEAR AGENCIES NG LOCAL GOVERNMENT NG PANGASINAN, PINAGTITIBAY

Pinagtitibay ng local na gobeyerno sa tanggapan ng District II ng lalawigan ng Pangasinan na pinangungunahan ni Congressman Cojuangco ang iba’t ibang nuclear agencies sa South Korea ukol sa usaping nuclear energy na itatayo sa bansa.
Tinalakay ng kongresista kasama ang Korean Ambassador ang usaping nakapaloob sa Ministry of Trade Industry and Energy at ang Korea Hydro and Nuclear Power.
Sa pamamagitan naman ng pagpapatibay ng magandang pakikipag-ugnayan sa nuclear-powered countries, partikular ang bansang South Korea, ay naglalayon ito upang masimulan ang kooperasyon upang mapatakbo nang epektibo ang planong nuclear power plant sa lalawigan.

Samantala, nagpapatuloy ang tanggapan sa paglulunsad ng nuclear energy sa lalawigan ng Pangasinan na magbibigay ng mura at maasahang kuryente para sa lahat |ifmnews
Facebook Comments