Hinikayat ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang mga DOT Regional Office na patuloy na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) at stakeholders upang matiyak na ang mga hakbangin sa pagpapaunlad ng turismo ay tumutugon sa mga pangangailangan ng mga destinasyong panturista sa buong Visayas at Mindanao Regions.
Ang pahayag ni Secretary Frasco kasunod ng kaniyang listening tours at nakipagpulong sa lahat ng DOT regional directors sa Visayas at Mindanao.
Paliwanag ng kalihim na ang mga regional director ay naglahad ng kanilang mga programa at mga hamon na kanilang kinakaharap sa kasalukuyan sa usapin ng pag-unlad ng turismo sa mga rehiyon.
Binigyang diin pa ni Frasco na ang tagumpay sa industriya ng turismo ay nakasalalay sa mga destinasyon pang-turismo sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU sa rehiyon.
Inutos din ng kalihim ang pagrepaso sa mga plano sa trabaho at pananalapi sa mga tanggapan sa rehiyon na nakabinbin ang pag-apruba upang matiyak ang napapanahong paggamit ng budget na kumikilala sa pangangailangan para sa tulong sa mga apektadong destinasyon ng turismo.