Pakikipag-ugnayan sa Senado, mas palalakasin pa ng Kamara para lumaki ang tsansa na maipasa ang Legislated Wage Hike Bill

Mas palalakasin ng Kamara ang relasyon o pakikipag-ugnayan nito sa Senado upang lumaki ang tsansa na maipasa sa 20th Congress ang panukalang batas na magpapataas sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

Sinabi ito ng tagapagsalita ng House of Representatives na si Atty. Princess Abante matapos ang kaliwa’t kanang Legislated Wage Hike Bills na inihain ng mga mambabatas na kasapi ng 20th Congress.

Magugunitang nabigo ang tuluyang pagsasabatas nitong 19th Congress sa panukalang umento sa sahod para sa pangkaraniwang mga manggagawa, makaraang hindi maplantsa ng dalawang kapulungan ang magkaiba nilang mga bersyon.

Panukalang P200 na daily minimum wage increase ang ipinasa ng Kamara habang P100 naman sa Senado.

Facebook Comments