Pakikipag-usap sa mga political leaders ni Davao City Mayor Sara Duterte, malinaw na pangangampanya ayon sa ACT Teachers!

766

“Action speaks lourder than words”.

Ito ang patutsada ng grupong ACT Teachers Partylist sa patuloy na pakikipag-usap ni Davao City Mayor Sara Duterte sa mga political leaders sa bansa.

Ayon kay ACT Teacher Partylist Rep. France Castro, walang ibang dahilan ang ginagawang pag-iikot at pakikipag-usap ng presidential daughter sa mga political leaders kundi isang malinaw na bahagi na ng kanyang pangangampanya.


Hindi rin aniya kapani-paniwala ang pahayag nina Zamboaga City Mayor Beng Climaco at Cebu City Governor Gwen Garcia na hindi napag-uusapan ang pulitika sa naging pagbisita sa kanila ni Mayor Sara.

Sinabi ni Castro na may punto ang pasaring na ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno kay Mayor Sara nang sabihin nitong dapat ay nasa lungsod nila ang mga alkalde para tugunan ang pagbolo ng COVID cases at hindi nag-iikot sa kung saang mga partido at pulitiko lalo at wala pang eleksyon.

Nabatid na bumisita ang Alkalde ng Davao sa Cebu at Zambaoaga habang nakipagpulong din ito kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng partidong Lakas – Christian Muslim Democrats(Lakas-CMD).



Facebook Comments