Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy niyang isinusulong ang pakikipagkasundo sa Moro Islamic Liberation Front at sa Moro National Liberation Front para sa kapayapaan sa Mindanao.
Sa pagharap ni Pangulong Duterte sa media kagabi sa Davao City ay sinabi nito na patuloy ang kanyang pakikipagusap kina MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim at kay MNLF Founding Chairman Nur Misuari para magkaroon ng kasunduan para magkaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan.
Umapela aniya siya sa dalawa na kung mabibigo ang mga kasunduan ay magreresulta ito sa madugong bakbakan at kapag aniya ito ay nangyari walang panalo.
Matatandaan na sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang Bangsamoro Basic Law bilang urgent bill para ito ay mabilis na dumaan sa kongreso at agad na maisabatas.
Nanindigan din ni Pangulong Duterte na lalabanan ng kanyang administrasyon ang terorismo at krimenalidad at hindi niya ito hahayaang manaig.
Pakikipag-usap sa MILF at sa MNLF, patuloy na ginagawa para sa kapayapaan
Facebook Comments