Maganda ang resulta nang pakikipagpulong ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kay United Nations Special Rapporteur Irene Khan.
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., ang pakikipagdayalogo ng pamahalaan kay Khan ay patunay lamang ng pagiging bukas ng gobyerno.
Naging magandang pagkakataon din aniya ito para maipakita ang sinseridad ng administrasyong Marcos, at maipaliwanag ang mga batas, polisiya at mekanismo ng pamahalaan kay Khan.
Nagpasalamat din si Usec. Torres sa mga mahahalagang obserbasyon at rekomendasyon ni Khan na hango sa kanyang malawak na karanasan.
Aniya, humingi pa si Khan ng karagdagang pagpupulong sa NTF-ELCAC na magbibigay daan para ipagpatuloy ang kanilang collaborative dialogue.