Nananatiling pangunahing paraan para maipasa o maihawa ang Human Immunodeficiency virus (HIV) ang pakikipagtalik o sex.
Sa datos ng Department of Health (DOH) HIV-AIDS Registry of the Philippines, lumalabas na 99% ng 735 na bagong diagnosed HIV cases nitong Oktubre ay nahawaan sa pamamagitan ng sex.
Mula sa nasabing bilang, 437 dito ay nakuha ang HIV dahil sa male-to-male sex, higit 200 kaso naman ay sa pakikipagtalik sa lalaki at sa babae, habang 88 kaso ay nakuha sa male-to-female sex.
Mayroong isang kaso ng mother-to-child transmission.
Ang naitalang kaso ng HIV nitong Oktubre ay mababa kumpara sa 1,147 sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Nasa 21% o 153 cases ay mayroong advanced HIV infections o nagkaroon ng acquired immunedeficiency syndrome (AIDS).
Karamihan sa mga kaso ay naitala sa National Capital Region (NCR), kasunod ang Region 4-A, at Central Luzon.