Pakikipagtalik sa kapwa lalaki sa Singapore, hindi na ituturing krimen ayon kay Prime Minister Lee Hsien Loong

Hindi na ituturing na krimen ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki sa Singapore.

Pahayag ito ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong kasunod ng patuloy na pagtanggap ng Singaporean community sa LGBTQIA+ community.

Sa kaniyang annual national day rally speech, sinabi ni Lee na ibabasura ng gobyerno ang Section 377A ng penal code na nagpaparusa sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki.


Bagama’t hindi pa tiyak kung kailan ito ibabasura ang naturang bahagi ng batas ay patunay ito na gumagawa na ng hakbang ang Singapore upang tuldukan ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa kabilang banda, wala pang plano ang gobyerno upang baguhin ang legal na depinisyon ng marriage na naka-angkla pa rin sa pagsasama ng babae at lalaki.

Facebook Comments