
Nagpahayag ng pagbati si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagkahalal ni Senate President Tito Sotto III.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Romualdez ang pakikipagtulungan sa bagong liderato ng Senado dahil sa panahon ngayon higit aniyang kailangan ang pagkakaisa ng dalawang kapulungan para maihatid ang ginhawa sa taumbayan.
Tiwala si Romualdez, na sa pamumuno ni Sotto ay mas magiging malakas na katuwang ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Kongreso para sa paghahatid ng reporma at pagtataguyod ng Bagong Pilipinas.
Ayon kay Romualdez, ang malawak na karanasan ni Sotto sa pagsisi-serbisyo sa publiko at matatag na pamumuno ay tiyak gagabay sa Senado sa kasalukuyang mapanghamong panahon.
Facebook Comments









