Pakikipagtulungan sa pamahalaan, hiniling ni PBBM mula sa mga nasa cable television at cable internet industry

Hiniling ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa mga nasa cable television at cable internet industry na mas pag-ibayuhin pa ang pakikipagtulungan sa pamahalaan.

Mensahe ito ni PBBM sa kanyang pagdalo sa ikalawang araw ng 23rd International Cable Congress Exhibit na ginaganap sa Manila Hotel.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos sa malaking naging papel na ginampanan ng Federation of International Cable TV at Telecommunications Association sa bansa lalo na nitong pandemya.


Ayon sa pangulo, kinakailangan ang patuloy na pagpapalawak ng papel nito sa new normal, mula sa paghahatid ng tradisyonal na cable television hanggang sa pagbibigay ng telecommunications at value-added services.

Diin ni Pangulong Marcos, malaki ang naitutulong na naturang industriya sa pagsisikap ng gobyerno tungo sa digitization ng paghahatid ng serbisyo sa publiko, pagpapalawig ng micro, small and medium entperprises (MSMEs) at pagtatayo ng information and communications technologies sa mga liblib na lugar sa bansa.

Tiniyak naman ni PBBM na ang pamahalaan ay ka-partner ng cable television at cable internet industry sa pagpapabilis at pagpapahusay ng serbisyo ng internet sa Pilipinas.

Facebook Comments