Pakikiramay at Suporta sa libing at pagpapakasal ni Ms. Zyrene Delmendo sa Kanyang yumaong Nobyo, Bumuhos!

*Cauayan City, Isabela- *Bumuhos ang pakikiramay at suporta sa libing at pagpapakasal ni Ms. Zyrine Delmendo sa kanyang yumaong nobyo na si Jake Anthony Macadangdang makaraang sagasaan ng sasakyan kasama ang anim pa nitong mga kaibigan sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa pagtutok ng RMN Cauayan News ay inihatid sa huling hantungan si Jake Macadangdang sa Aves Memorial Park kaninang umaga na dinagsa ng mga nakiramay at upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Jake Macadandang at Zyrine Delmendo.

Kaugnay nito ay binasa muna ni Zyrine sa lahat ng mga nakiramay ang mga ibinigay na sulat ng kanyang nobyo noong ito ay nabubuhay pa bago nito isuot ang kanyang singsing.


Sa pahayag naman ni Zyrine ay buong puso niya umanong minahal ang kanyang nobyo at nais nitong ipadama ang kanyang tunay na pagmamahal sa kanyang yumaong nobyo.

Dagdag pa niya, limang taon na umano silang magkasintahan at matagal na rin nilang balak magpakasal pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

Buo rin ang suporta ng pamilya ni Zyrine Delmendo sa naging desisyon nito na pakasalan ang kanyang nobyo kahit pumanaw na ito.

Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya Macadangdang at Delmendo sa lahat ng mga nakiramay at sumuporta sa kasal ni Ms. Zyrine Delmendo sa kanyang yumaong nobyo na si Jake Anthony Macadangdang.



Facebook Comments