PAKIKIRAMAY BUMUHOS | Labi ng director na si Maryo J. Delos Reyes, biyaheng Maynila na

Showbiz – Ibabyahe na ngayong umaga ang labi ng batikang direktor na si Maryo J. Delos Reyes patungong Maynila kung saan naghihintay ang pamilya’t mga kamag-anak nito.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kaibigan at ibang kamag-anak ni Direk Maryo at nagkaroon pa ng misa kahapon sa Gamalinda – Hamoy Funeral Homes sa Dapitan City kung saan pansamantalang nakahimlay ang labi nito.

Matatandaang, bigla na lamang nag-collapse ang 65-anyos na direktor habang sumasayaw sa birthday party ng kaibigan nito sa isang resort sa nasabing lungsod.


Samantala, hindi naman pinayagan ang mga taga-media at fans na kumuha ng video o larawan ng namayapang direktor.

Facebook Comments