Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni former SSB Vice Mayor Roger Mamalo

Patuloy na umaapela ang mga kaanak ng pinaslang na dating Vice Mayor ng Sultan sa Barongis Maguindanao na sanay agad mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Vice Mayor Roger Mamalo.

Wala anila silang nakikitang dahilan kung bakit walang awang pinagbabaril ang 63 anyos na opisyal dahil na rin sa wala naman itong mga kagalit ayon pa sa kanyang anak na si Datu Norie sa panayam ng DXMY.

Isa aniyang napakabait na ama ito at mapagmahal na lolo sa kanyang mga apo dagdag pa ni Datu Norie. Kaugnay nito umaasa ang pamilya Mamalo na agad maresosolba ang kaso ng binaril na opisyal at managot ang dapat na managot.


Samantala nagpapasalamat na lamang ang pamilya ni late Vice Mayor Roger, sa lahat ng mga nagpaabot ng pakikiramay at nakiisa sa kanilang pagdadalahamti sa di inaasahang pagpanaw ng opisyal.

Matatandaang byernes ng gabi ng pagbabarilin si Vice Mayor Mamalo habang sakay mag isa ng kanyang kotse sa Tacurong City
PIC:CCTO

Facebook Comments