Iginiit ni Senator Nancy Binay na dapat malinaw sa mga bagong kontrata o business deals sa China ang pagkuha sa mga manggagawang Pilipino.
Pahayag ito ni Binay, makaraang ianunsyo ng malakanayang ang karagdagang 12 Bilyong Dolyar na investments at trade deals na ibinunga ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina.
Ang mga bagong investments ng Tsina ay Inaasahang lilikha ng mahigit 21,000 na bagong trabaho sa imprastraktura, energy, petrochemical, at industrial park projects.
Diin ni Senator Binay, dapat mga Pilipinong mangagawa ang makinabang sa nabanggit na malilikhang trabaho.
Inihalimbawa ni Binay ang “Build, Build, Build” projects ng administrasyon na dapat 100 porsyentong kumuha ng mga Filipino construction workers.
Facebook Comments