PAKINABANGAN NA LANG | Mga nakumpiskang smuggled rice, hiniling kay Pangulong Duterte na i-donate sa NFA

Manila, Philippines – Umapela si Senator Cynthia Villar Kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng Executive Order para mai-donate na lang sa National Food Authority o NFA ang mga nakumpiskang smuggled na bigas sa Subic, Zamboanga, at Cebu.

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Agriculture ay pinayuhan ni Senator Villar ang NFA council na pormal itong hilingin sa Pangulo.

Katiwrian ni Senator Villar, makabubuting mapakinabangang na lang ng mga mahihirap ang mahigit 100,000 metriko tonelada na smuggled na bigas kesa i-auction ito na posibleng mapunta lang din sa mga smuggler.


Ang pahayag ni Villar ay makaraang lumabas pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Agriculture na 1.7 days na lang ang itatagal ng buffer stock ng NFA.

Napaglaman sa pagdinig na tatlong buwan na mawawalan ng NFA rice sa merkado dahil sa Hunyo pa darating ang bigas na inangkat ng gobyerno.

Facebook Comments