“Pakiramdam ko ako ang pinakamasuwerteng kontrabida sa Ang Probinsyano” – Baron Geisler

942
Scene from "FPJ's Ang Probinsyano" | Courtesy ABS-CBN Entertainment

Labis ang pasasalamat ng aktor na si Baron Geisler sa kapwa-artista na si Coco Martin dahil sa pagkakataong ibinigay para maging parte ng teleseryeng “Ang Probinsyano”.

Sa bidyong inilabas ng Coco Martin PH, ikinuwento ng aktor ang kaniyang saloobin sa ginampanang karakter.


“Pakiramdam ko, ako ang pinakasuwerteng villain sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,'” paunang mensahe ni Geisler.

Aniya, nalulungkot siya sa pagtatapos ng karakter ni Bungo sapagkat napamahal na siya dito.

“Napamahal ako sa stuntmen, sa mga goon na sumuporta sa akin kasi kung wala sila ay hindi magiging ganuon kaangas si Bungo. May gains and may pains. ‘Yung gain, I gained a lot of knowledge in terms of working with best,” pahayag ng batikang celebrity.

Sa parehong video, taos-pusong binati at pinuri ni Geisler si Martin.

“Isa kang tunay na ehemplo ng kabataan. Maraming salamat, sir. Ipagpatuloy niyo lang ang magandang gawain niyo sa pagtulong niyo sa mga tao at sa industriya. Sana tumagal pa ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at makagawa pa tayo ng mas maraming proyekto,” nakangiting pahayag ng aktor.

Tuluyang nagwakas ang kasamaan ni Bungo nang tugisin at mapatay siya ni Cardo Dalisay, na ginagampanan ni Martin, noong Martes ng gabi.

Sa huli, sinabi ni Geisler na hindi niya malilimutan ang karanasan sa patok na soap-opera sa gabi.

Facebook Comments

From Advertisers