Pakistan, aprubado na ang COVID-19 vaccine mula Sinopharm

Kinumpirma ng awtoridad ng Pakistan na ang COVID-19 vaccine mula kompanyang Sinopharm ng China ang unang aprubadong bakuna na gagamitin sa kanilang residente.

Ayon kay Pakistani Minister for Science and Technology Chaudhry Fawad Hussain, aabot sa 1.2 million doses ang kanilang bibilhin bilang pagsalubong sa second wave ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Aniya, libre itong ipapamahagi sa kanilang frontliners sa unang quarter ng 2021.


Nabatid na nasa Phase 3 clinical trials na ang dini-develop na COVID-19 vaccine ng CanSino Biologics sa Pakistan sa pangunguna ng government-run National Institute of Health.

Facebook Comments