Pakiusap ni PBBM na tutukan ang Anti-Dynasty Bill, hindi “pampapogi” lang — Malacañang

Mariing itinanggi ng Malacañang ang pahayag na “optics” o pampapogi lamang ang hiling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso na gawing prayoridad ang Anti-Political Dynasty Bill.

Ito ang tugon ng Palasyo sa pahayag ng grupong Akbayan na nagsabing propaganda lamang ang pagbanggit ng Pangulo sa panukala dahil hindi ito sinertipikahang urgent.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw ang mensahe ng Pangulo sa mga mambabatas na pag-aralan nang mabuti ang panukala at huwag basta madaliin.

Mas mahalaga aniya na mapag-usapan at marinig ang lahat ng opinyon at suhestiyon upang makabuo ng maayos at makatarungang batas.

Dagdag pa ni Castro, ang pagmamadali sa paggawa ng batas nang walang sapat na pag-aaral ang mas maituturing na “pampapogi,” at hindi ang masusing pagtalakay sa isang mahalagang panukala.

Facebook Comments