PAKIUSAP | Rep. Lagman, humiling na ma-cross examine si Justice De Castro

Manila, Philippines – Hiniling ngayon ni Albay Rep. Edcel Lagman sa House Justice Committee na payagan siyang makapaggawa ng cross-examine kay Supreme Court Associate Justice Teresita De Castro sa oras na haharap ito bilang witness sa impeachment hearing ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa e-mail na ipinadala ni Lagman kay Committee Chairman Reynaldo Umali, nais niya sang tanungin si Castro para linawin ang mga reklamo umano nito kay Sereno bilang Punong Mahistrado.

Matatandaan na sa naging pagdinig ng komite noong Miyerkules, hindi pinayagan sina Lagman, kasama ang iba pang hindi miyembro ng komite na makibahagi sa impeachment hearings sa botong 30-3.


Ito ay sa bisa raw ng house rules na nagsasabing tanging ang mga miyembro lamang ng komite ang papahintulutan na makibahagi sa mga diskusyun.

Pinapayagan pa rin naman daw ang mga non-members na dumalo at makinig lamang.

Facebook Comments