Handa si Senator Koko Pimentel na patawarin ang paksyon ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi.
Kasunod ito ng pagkakahalal kay Pimentel bilang chairman ng partido kapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na National Council meeting ng faction ng PDP Laban.
Ayon kay Pimentel, handa siyang patawarin na lamang ang paksyon ni Cusi sa PDP-Laban dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
Kasabay nito, kinantiyawan ni Pimentel ang Cusi faction dahil hirap umanong makakuha ng standard bearer para sa 2022 election kaya inuna na lamang ang pagpili ng namumuno.
Facebook Comments