Pakulo ng pulisya na ‘Paskuhan sa Barangay’ Umaarangkada

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 700 pamilya ang nabiyayaan ng grocery items at cash ngayong ipinagdiriwang ang kapaskuhan sa ilang barangay sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay bahagi ng pakulo ng Cagayan Police Provincial Office na binansagang ‘Paskuhan sa Barangay’.

Tumanggap ng regalo ang nasa 100 pamilya mula sa barangay Mabuno sa bayan ng Gattaran katuwang ang Romblon Police Provincial Office makaraang magbigay ng donasyon para sa pagbili ng mga gift items.


Hindi rin pinalampas ng mga awtoridad ang pamimigay sa barangay Andarayan North sa bayan ng Solana makaraang mabenepisyuhan ang nasa 200 pamilya.

Bakas naman ang saya ng nasa 100 pamilya mula sa barangay Concepcion sa Amulung dahil sa tinanggap na gift items na biktima rin ng malawakang pagbaha nitong nagdaang kalamidad.

Bukod dito, napasaya rin ang 300 pamilya sa Barangay Masical sa Baggao dahil kanilang natanggap na pang-noche Buena.

Samantala, namigay rin ng used clothes ang alkalde ng Baggao habang P20,000 grocery items ang ipinaabot ng may-ari ng Benguet Lily Livestock para sa mga apektadong pamilya sa nasabing bayan.

Bakas rin ang mga ngiti sa mga bata matapos makatanggap naman ng tsokolate at candy ngayong kapaskuhan.

Facebook Comments