Umaasa ngayon ang mga magpapakwan sa bayan ng Mangaldan na hindi maapektuhan ng anumang kalamidad ang kanilang mga pananim.
Ito ay matapos nilang matamnan ng mga pakwan ang mga nakatiwangwang na mga lupang sakahan na hindi muna matamnan dahil sa tagtuyot na epekto ng El Nino phenomenon.
Sa nakapanayam ng IFM Dagupan sa mga pakwan farmers ang malakas na bagyo o ulan ang magiging kalaban ng mga magsasaka kung kaya’t umaasa sila na sana walang bagyo na dumating hanggang sa matapos silang magtanim.
Aabutin ng mahigit dalawang buwan bago umano ang nasabing mga pananim na inaasahang magiging gabay upang sila ay makabawi matapos na malugi sa palay ssa katatapos na anihan. | ifmnews
Facebook Comments