Ngunit Alam niyo ba na hindi na lamang sa produktong puto ang pagkakakilanlan ng bayan dahil nagsisimula nang yumabong ang industriya ng pakwan sa bayan.
Sa Brgy. Cabilocaan nagsimula ang pagtatanim ng naturang prutas sa bayan taong 2020.
Mula sa lima hanggang ektaryang lupain noon, ngayon nasa 20 ektarya na ang taniman ng pakwan sa bayan kabilang na ang Brgy. Ambonao na naakit sa pagtatanim nito.
Ayon Kay Mr. Ronnie Gabrillo, lider ng mga nagtatanim ng pakwan sa Brgy. Cabilocaan, Sugar Baby Max F1 ang variety ng pakwan na kanilang itinatanim na kadalasan na inaani sa buwan ng Pebrero hanggang Abril.
Kinakitaan ito ng malaking potensyal na makatutulong sa kabuhayan ng mga magsasaka sa bayan dahil sa loob lamang ng 60 araw ay maaari nang anihin ang mga pakwan.
Sa ngayon, nagsimula nang ibenta sa pamilihang bayan ng Calasiao ang mga inaning pakwan ng mga magsasaka.
Samantala, inaasahan na hindi lamang sa bayan mabibili ang pakwan ng Calasiao maging sa mga karatig sa lugar kapag ito ay nagtuloy tuloy sa mas marami pang produksyon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









