PAL Flights patungong Clark mula Bacolod, dadagdagan

206

Bacolod City – Nakatakdang magdagdag ng flights ang Philippine Airlines (PAL) mula Bacolod patungong Clark International Airport simula sa July 22 ngayong taon.

Ayon sa PAL, magiging three times a week na ang byahe ng Bacolod to Clark at vice versa.


Ang flight schedule ng Bacolod to Clark ay las 7 ng umaga tuwing Lunes, Miyerkules at Biernes.

Naniniwala ang PAL na malaki ang maitulong ng bago nilang domestic flight sa Bacolod upang ma-cater ang napakaraming pasahero na nagmumula sa lalawigan ng Negros Occidental.

Para naman kay Mayor Evelio Leonardia, malaki ang maitutulong nito sa turismo ng probinsya lalong- lalo na sa Bacolod sa nalalapit na Masskara Festival.

Facebook Comments