Humingi ng pasensya ang Philippine Airlines (PAL) matapos makansela ang mga naka-book na “heavily discounted” flights, dahil umano sa system glitch sa mobile app nito.
“Philippine Airlines sincerely apologizes for the inconvenience caused by a system glitch on our mobile app that resulted in erroneous quotes of air fares and booking transactions for specific flights from Japan to the US and Canada during a short period earlier this May,” paliwanag ni PAL spokesperson Cielo Villaluna.
Dagdag ni Villaluna, agad naman daw itong nasabi sa kanilang system provider at isinasaayos na ang mga error.
Higit 200 customer naman ang nagpahayag na ibo-boycott ang PAL matapos ang nangyari, sa kabila ng pahayag ng PAL na makakukuha ng full refund ang mga naapektuhan.