Lubos na ikinalungkot ng Philippine Airlines (PAL) ang hindi pagtanggap ng 282 Overseas Filipino Workers (OFW) na mga pasahero lulan ng Flight P5654 biyaheng Manila papuntang Riyadh Saudi Arabia.
Ayon sa PAL, wala silang natanggap na official advice mula sa gobyerno ng Pilipinas tungkol sa pagbabawal na makapasok ang mga OFW papuntang Saudi Arabia.
Kahit wala umanong opisyal na direktiba, ipinagpatuloy pa rin ng kanilang team sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang check-in process.
Subalit, posibleng hindi na papayagan ng Bureau of Immigration ang mga pasaherong OFW na makabiyahe o makaalis sa ibang bansa.
Wala pa ring natatanggap ang PAL na opisyal na direktiba mula sa gobyerno ng Pilipinas kaya’t wala umano silang magagawa kung hindi tanggapin na lang kung ano ang hindi magandang pangyayari sa mga OFW.
Una rito, umalis mula sa Manila kaninang alas-11:00 ng umaga lulan ng PR5654 na walang lamang pasahero para lamang sunduin ang mga pasaherong OFW lulan ng PR5755 pabalik sa Manila mula Riyadh Saudi Arabia.