PAL inanunsyo ang Independence Day seat sale promo

187
Image via skytraxratings.com

Good news para sa mga kababayan natin mahilig maglibot. Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) ang Independence Day seat sale promo nila ngayong araw.

Handog nila ito bilang pakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.


Pahayag ng PAL, ang pinakamababa nilang domestic flights ay aabot ng 399 pesos habang 89 dollars or mahigit 4450 pesos ang international flights.

Ang booking period ng nasabing promo ay mula Mayo 27 hanggang Hunyo 2, 2019.

Maaring pumili ang mga pasahero sa petsang Hunyo 17 hanggang Nobyembre 30 para sa domestic destinations. Habang Hunyo 24 hanggang Nobyembre 30 naman sa mga gustong pumunta ng ibang bansa.

 

Facebook Comments

From Advertisers