Pasok ang Philippine Airlines (PAL) sa Top 10 airlines na may highest safety credentials para bumiyahe sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang PAL ay kabilang sa 150 airlines na sumailalim sa audit para sa kanilang COVID-19 safety credentials ng Safe Travel Barometer, isang komprehensibong database para sa COVID-19 traveler health at safety protocols.
Lumabas sa audit na ang flag carrier ng Pilipinas ay nakakuha ng rating na 4.2 out of 5, kung saan 5 ang highest score.
Ayon kay PAL President and Chief Operating Officer Gilbert Santa Maria, ikinalulugod nila ang pagkilala at tiniyak na patuloy nilang pananatilihin ang mataas na pamantayan ng kaligtasan at proteksyon sa mga crew at mga pasahero.
Kahanay ng PAL ang China Airlines, Hawaiian Airlines, Air Asia Malaysia at Emirates ng UAE.
Nanguna sa listahan ang Lufthansa na mayroong score na 4.5, kasunod ang Vistara, Delta Airlines at Allegiant Air na may rating na 4.4, pumasok din sa listahan ang Alaska Airlines na may score na 4.1.
Ibinase ang rating system sa bawat stage ng travel journey gaya ng pre-flight, actual flight at post flight.