Kinumpirma ng Philippine Airlines na hindi natuloy ang flight kagabi ng kanilang PR102 patungong Los Angeles, California, USA.
Ito ay matapos na pumutok ang gulong ng eroplano bago sana ito mag-take-off.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, agad naman na naibaba ang 361 pasahero at dinala ang mga ito sa hotel.
Agad din na nag-arrange ang PAL ng ibang aircraft na sasakyan ng mga pasahero.
Alas-dos ngayong hapon, inaasahang lilipad ang ibang aircraft patungong Los Angeles.
Facebook Comments