PAL, magsusumite ng compromise agreement sa gobyerno hinggil sa unpaid obligations

Manila, Philippines – Makikipagpulong ang pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) sa gobyerno sa layuning maghain ng compromise deal kaugnay ng kanilang utang na umaabot sa P6.63 billion.

Sa statement ng PAL nais nilang maglatag ng kasunduan sa gobyerno para hindi maka apekto sa kanilang operasyon ang kanilang unpaid obligations.

Kahapon matatandaang binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PAL na hindi mangingiming isara ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, na syang ginagamit na paliparan ng PAL kung mabibigo ang ating flag carrier na bayaran ang kanilang bilyung-bilyong utang sa pamahalaan.


Nabatid na 10 araw ang ibinigay ng pangulo kay PAL Chairman and Chief Executive Officer Lucio Tan para i-settle ang kanilang liabilities sa gobyerno.

Facebook Comments