Thursday, April 9, 2026

PAL, nagbukas na ng flight patungong Riyadh kasunod ng tigil-putukan sa Middle East

Nagbukas na ang Philippine Airlines (PAL) ng flights mula Manila patungong Riyadh epektibo ngayong araw, April 10, 2026, kasunod ng tigil-putukan sa Middle East region.

Ayon sa PAL, dadaan muna ang kanilang mga eroplano sa alternate flight route para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero at crew.

Kinumpirma rin ng PAL na ilan sa kanilang Manila-Riyadh flights ay magkakaroon ng maikling technical stop sa Bangkok para sa refueling.

Sa panahon ng pag-refuel, hindi papayagan ang mga pasahero na bumaba ng eroplano.

Tiniyak naman ng PAL na nakatutok sila sa developments sa Middle East para sa posibleng panunumbalik ng kanilang full operations.

Facebook Comments