PAL, nagkansela ng flights sa Hong Kong matapos ang travel restriction sa mga pasaherong mula sa Pilipinas

Kanselado ng dalawang linggo ang flights ng Philippine Airlines (PAL) patungong Hong Kong.

Kasunod ito ng anunsyo ng Hong Kong Government na hindi muna sila magpapapasok ng mga pasaherong mula sa Pilipinas, India at Pakistan, sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang mga bansa.

Bunga nito, kanselado ang Manila-Hong Kong-Manila flights ng PAL mula sa April 20.


Nilinaw naman ng PAL na ang kanilang cargo flights sa Hong Kong ay magpapatuloy.

Facebook Comments