PAL, nagpaliwanag sa biglaang pagkansela ng kanilang flight sa Riyadh, KSA

Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang flight nito ngayong araw patungong Riyadh, Saudi Arabia.

Humingi naman ang PAL ng paumanhin sa mga naapektuhang pasahero dahil sa biglaang kanselasyon ng nasabing flight.

Ipinaliwanag ng PAL na ang pagkansela nila ng flight kanina patungo ng Riyadh at pabalik ng Pilipinas ay bunga ng direktiba ng gobyerno na limitahan ang operasyon sa nasabing destinasyon.


Nagbigay naman ng payo ang PAL para sa mga naapektuhang mga pasahero para sa rebooking, refund o pag-convert ng kanilang ticket bilang travel voucher.

Facebook Comments