PAL, nilinaw na essential travelers lamang ang kanilang isasakay ngayon sa kanilang domestic flights

Nag-anunsyo ang Philippine Airlines (PAL) na ang mga pasahero lamang na may mahalagang pakay sa biyahe ang kanila munang isasakay mula sa Maynila patungo ng mga lalawigan.

Kabilang dito ang Returning Overseas Filipino (ROF), Locally Stranded Individual (LSI) at Authorized Person Outside of Residence (APOR).

Nangangahulugan ito na hindi muna magsasakay ang PAL ng mga pasaherong ang pakay lamang sa mga lalawigan ay magbakasyon o mamasyal.


Kasunod na rin ito ng resolution ng Inter-Agency Task Force on the Management of Infectious Diseases (IATF) na essential travelers lamang ang papayagan na pumasok at lumabas ng Metro Manila.

Pero isasakay pa rin ng PAL pauwi ang leisure travellers na magmumula sa mga lalawigan.

Nilinaw naman ng PAL na maaaring magpa-rebook o mag-refund ng kanilang ticket ang mga pasahero nang walang babayarang penalty.

Facebook Comments