PAL, tiniyak na makikipagtulungan sa imbestigasyon sa tangkang jewelry smuggling ng isang pasahero

Tiniyak ng Philippine Airlines (PAL) na makikipagtulungan ito sa imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng tangkang pagpuslit ng mahigit 24 kilo ng gintong alahas sa bansa.

Ito ay matapos kumpirmahin ni PAL Spokesman Cielo Villaluna na itinago ang smuggled jewelries sa lavatory o palikuran ng PR 301 na dumating kahapon sa bansa mula Hongkong.

Ang naturang mga alahas ay nagkakahalaga ng ₱80 million.


Ang mga nakumpiskang alahas ay nai-turn over na ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Bureau of Customs (BoC).

Tumanggi naman si Villaluna na magbigay ng pagkakakilanlan ng suspek kung ito ba ay pasahero o konektado sa airline.

Facebook Comments