PALABAN | Anak ni Kris Aquino na si Bimby, hindi daw magpapa-apekto sa mga bashers

Manila, Philippines – Palaban at hindi daw apektado ngayon ang anak ni Kris Aquino na si Bimby sa mga bashers nilang mag-ina.

Say ni Bimby, wala na daw mas sasakit pa sa naidulot ng isang mahalagang tao sa buhay.

Hindi man direktang sinabi ni Bimby kung sino pero hinala ng mga netizens na ang tinutukoy nito ay ang kaniyang ama na si James Yap.


Ipinagmalaki naman ni Bimby ang mga nagagawa na si Kris para sa kanilang dalawa ni Josh kung saan nakikita daw nito ang hirap na pinagdadaanan ng kaniyang mommy.

Matatandaan na noong 2017, nakaranas ng pamba-bash si Bimby at marami ang kumukuwestiyon ng kaniyang sekswalidad.

Facebook Comments