PALABAS LANG? | Pagbibitiw ni Mocha Uson, palabas lamang

Manila, Philippines – Naniniwala si ACT Teachers Rep. France Castro na palabas lamang ang ginawang pagbibitiw ni Mocha Uson bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Ayon kay Castro, hindi sikreto sa publiko ang balak na pagtakbo ni Uson sa Senado o sa Kamara.

Sinabi ni Castro na mukhang paghahanda na rin ito ni Uson sa darating na eleksyon dahil sa susunod na Linggo ay simula na ng paghahain ng certificate of candidacy.


Welcome naman para sa lady solon kung balak ni Uson na maging kinatawan ng Partylist na siyang lumulutang ngayon matapos na sabihin ng dating Asec na itutuloy niya ang laban sa Kongreso.

Iginiit naman ni Castro na huwag na sanang gamitin ni Uson na dahilan na kaya siya nagbitiw sa pwesto ay dahil iniipit ang budget ng PCOO.

Facebook Comments