Palace Press Officer Claire Castro, maghahain ng courtesy resignation bilang pagtalima sa direktiba ni PCO Secretary Dave Gomez

Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire na maghahain siya ng courtesy resignation bilang bahagi ng balasahan sa Presidential Communications Office (PCO) sa ilalim ng bagong talagang acting secretary na si Dave Gomez.

Ayon kay Castro, kabilang siya sa mga opisyal na magpapasa ng pagbibitiw, alinsunod sa tradisyonal proseso tuwing may bagong pinuno sa isang ahensya.

Kaninang umaga ay nagbaba ng direktiba Gomez kung saan pinagsusumite ng unqualified courtesy resignation ang lahat ng matataas na opisyal ahensya.

Kasama rito ang kasalukuyang undersecretaries, assistant secretaries, directors ng PCO-Central Office, pati na rin ang mga hepe at iba pang Presidential appointees ng attached agencies.

Ito’y para mabigyan ng pagkakataon si Gomez na maayos na ma-reorganisa ang kanyang team at makapili ng mga taong sa tingin niya ay mas angkop para sa implementasyon ng communication agenda ng administrasyon.

Facebook Comments