Palagiang OT pwedeng magdulot ng sakit sa puso

Ang dire-diretsong pagtatrabaho ay “literal” na nakakasira sa puso.

Ayon sa pag-aaral na inilathala sa European Heart Journal, ang mga taong madalas magtrabaho ng mahabang oras ay mas malaki ang tsansang magkaroon ng sakit sa puso kumpara sa mga taong nagtatrabaho sa regular na oras.

Sa resulta sa isinagawang pananaliksik sa kondisyon ng 85,000 subjects, mga lalaki at babae na pawang empleyado, ng may 10 taon, mahigit 1,000 ang nagkaroon ng atrial fibrillation (mabilis o iregular na pagtibok ng puso). Walang pre-existing heart ailments ang lahat ng subjects.


Nang tingnan ang kasarian, edad at antas ng pamumuhay, lumabas na ang mga nagtatrabaho ng mahigit 55 oras sa loob ng isang linggo ay 1.4 times na magkaroon ng atrial fibrillation. Kapag lumala, nagdudulot ito ng stroke o heart failure.

Ayon pa sa pag-aaral, ang nasabing heart condition ay dulot na rin ng pagtatrabaho ng mahabang oras dahilan upang magkaroon ng poorer lifestyle choices.

Dulot ng mahabang oras ng pagtatrabaho nakakalimutan na nilang alagaan ang kanilang mga sarili dahilan upang makaranas sila ng depression, anxiety, obesity at alcoholism.

Facebook Comments